Lunes, Enero 28, 2013

TWISTED:Rosas Ng Pag-Ibig Part 2 By:Jeremae Cris Villarasa


         Twisted:Rosas Ng Pag-Ibig
               Ikalawang Yugto 

         

     At ayon na nga at kinuha si Jacob ng mga engkanto. Gabi-gabing umiiyak si Andi sa pagkawala ni Jacob,pati ang kuya nya hindi magawang patahanin si Andi.Laging pumupunta si Josh sa bahay nila,dalawang linggo na rin nagkukulong si Andi, laging umiiyak at walang gana hindi rin siya pumapasok.Ginagawa ni Josh lahat para gumaan ang pakiramdam ni Andi."Ui! Andi tahan na babalik pa yun, sabi 
niya diba. Wag ka mag-alala nandito naman ako,hangga't wala siya ako muna." (sabi ni Josh kay Andi)"may balak ka pa atang palitan si Jacob eh"( sagot naman ni Andi). "Pwede rin, hindi impossibleng mahulog tayo sa isa't isa, maganda ka tas cute at gwapo naman ako, ano pa bang hahanapin mo eh bagay naman tayo" Pagbibiro ni Josh. Nabatokan tuloy ni Martin."Biro lang naman Martin ehh..pero kung pwede..eh..At ayon nabatokan ulit. Natawa naman si Andi dahil sa kakulitan ni Josh ."Oh see..napatawa ko siya Martin hindi impossibleng ma inlove yan sakin". At ayon napalo ni Andi si Josh "Inlove mo mukha mo". At ayon napadalas ang pagbisita ni Josh sa bahay nila Andi naging mas malapit at naging mag bestfriend na din. Dalawang taon narin ang nakalipas nong nawala si Jacob. At unti-unting naring nag momove-on si Andi,nahuhulog narin sila sa isa't isa ni Josh.Nahulog sila sa isa't isa ng hindi sinasadya na ang lahat ng biro ay naging makatotohanan na . Isang araw nagtapat na si Josh at niligawan na niya si Andi."Andi will you be my girl".Sa tapat pa ng paaralan nila Andi,maraming tao, at maraming nakakita sa kanila . At nagulat naman si Andi sa hindi inaasahang pagtatapat ni Josh. Nilapitan niya si Josh at sinabi:"Hindi ko akalaing mainlove rin ako sa'yo, ikaw na ang pumalit sa lugar ni Jacob nong nawala siya ikaw na yong nandyan , at napaibig ako sa'yo ng hindi ko sinasadya." Kaya Oo Josh. " Andi salamat sa pag tanggap mo, pinapangako kong ikaw lang talaga ang iibigin ko " (sabi ni Josh). Isang buwan ang nag daan may na tanggap silang balita na may isang lalaking natagpuan don sa lugar ng pinagcampingan nila,kung saan kinuha si Jacob ng mga engkanto. Kaya nakibalita si Andi at nagbabasakaling si Jacob yun. Pumunta siya sa ospital kung saan dinala yung lalaki ,at conpirmadong si Jacob nga."Andi wag kang masyadong mapalapit dyan baya peke yan at isa pala siyang engkanto, pano kung saktan ka nila o dalhin ka sa tribu nila,sinusunod ng mga engkanto ang mukha ng mga taong malapit sayo."(sabi naman ni Josh). Dalawang linggo 
ring nanatili si Jacob sa ospital,paglabas ni Jacob nakasalubong niya agad si Andi.Si Andi naman halatang 
miss na miss nya na rin si Jacob pero iniisip n'ya parin and sinabi ni Josh,at baka aasa na naman siya at masaktan 
ulit . Lalakad na sana si Andi pero hinila s'ya ni Jacob,"Andi hindi mo ba ako namiss , hindi ka ba nag-aalala sa akin,
di mo man lang ako kukumustahin,hindi ka ba masaya na bumalik na ako, na natupad ko na yung pangako ko".
Nagsalita naman si Andi "Nag-alala, pero alam mo bang mag tatatlong taon na ng mawala ka , nasaktan ako ng sobra at nauubosan na ng pag-asang babalik ka pa. Bakit ngayon ka lang bumalik, bakit kailangan mo pang umalis,
napakahirap mag move-on Jacob, pero ngayong nagawa ko na saka ka pa bumalik, Jacob mahal ko na si Josh"
Natahimik naman si Jacob at tumakbo na si Andi papalayo kay Jacob.Pagkatapos nong pag-uusap nila ,hindi na nagpaparamdam si Jacob at lumipat narin sila ng bahay pero iisang paaralan lang ang pinapasokan nila. Nasasaktan parin si Andi at lagi siyang umiiyak. Isang gabi pinuntahan siya ni Josh para i-comfort .Nakatulog naman si Andi,pero bigla siyang nagising ng nakaramdam siya ng ginaw , at pag gising niya wala na si Josh sa tabi nya kaya lumabas siya para hanapin si Josh. At nagulat naman si Andi ng makita niyang si Josh na may kausap na engkanto sa may puno ng mangga.  Narinig pa n'yang sabi ng engkanto na wag daw ipaglapit si Jacob at Andi at baka raw masira ang kanilang plano. Nagulat at natakot si Andi,hindi siya makapaniwalang engkanto ang taong pinagpalit n'ya kay Jacob.

                            Itutuloy... 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento