Martes, Enero 29, 2013

fairy blust ( harah ariar )

-->
Part 1
Ang mag-asawang Mang Dondong at Aling Iska ay mayaman at may kaisa-isang anak. Mahal na mahal nila ang labindalawang taong gulang na si Maria. Napakabait at masunuring bata si Maria. Sa kabila ng magandang katangiang ito ni maria, ang pagkamahiyain ay kaakibat ng kanyang katauhan. Ayaw niyang makipag-usap sa ibang tao kung kaya't nagkukulong lamang siya sa kanyang silid para lamang makaiwas sa mga tao.
Si Maria ay may taniman ng mga magagandang bulaklak. Ang kaniyang mga bulaklak ay sadyang napakagaganda kung kaya't ang mga ito ay kilalang-kilala sa kanilang bayan.
Isang araw, ang kanilang bayan ay pinasok ng mga bandido. Pinapatay nila ang bawa't masalubong at kinukuha ang anumang mahahalagang bagay. Sa takot na mapahamak si Maria, itinago siya ni Mang Dondong at Aling Iska sa bunton ng mga halaman. Si Aling Iska ay nagtago sa loob ng kabahayan, samantalang si Mang Dondong ay nakahandang salubungin ang pagdating nga mga bandido.
                            
                             (Ipagpapatuloy )

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento