Martes, Enero 29, 2013


TWISTED: Mahal Kita Pero Sino Ka Ba? Part2
By: Queenie Padillo J

  Nang kinombinsi ni Tiago si Ziannah na sumama sa kanya sa kanilang kaharian, nag dalawang isip si Ziannah na sumama sa kanya dahil hindi pa niya ito kilala.

  “Talaga bang makakalimutan ko na ang pamilya ko?” tanong ni Ziannah. “ oo nga! Ang dami mo naming tanong eh! Ano ba? Sasama ka? O hindi?” tanong ni tiago. “oh cge na nga! Sasama na ako sayo kahit pangalan mo lang ang alam ko. Pero sa palagay ko parang mabait ka naman eh! Kaya sasama na ako.” Sabi ni ziannah. “ talaga? Yes! May kaibigan na ako!” sigaw ni tiago. “ha? Wala ka bang kaibigan?” “wag ng maraming tanong pwede ba? Umalis na tayo! Malayo pa ang pupuntahan natin.” “oh hali kana!”

  Umalis na nga sila Tiago at Ziannah. Kinaumagahan, “Tiago! Umalis ka diyan! Di natin yan kilala!!” sigaw ni Margarett. Si Margarett ay kababata ni Tiago, siya ay may lihim na pag tingin kay Tiago. “huminahon ka Margarett, Kilala ko siya! Bagong kaibigan siya Margarett.” Paliwanag ni Tiago kay Margarett. Nag kunwari si Margarett na nagustohan niya si Ziannah pero yun pala galit nag alit siya ditto dahil iniisip niya baka maagaw ni Ziannah si Tiago sa kanya. Isang araw, “hoy tao! Pwede bang lumayo ka na sa lugar na ito? T layuan mo na kami ni Tiago. Nmumuhay kami ng tahimik ditto tapos dadating dating ka? Panira ka lang sa buhay naming, alam mo bay un?” Pagalit na sabi ni Margarett kay Ziannah. “Pero akala ko ba mag kaibigan na tayo?” “Tanga ka rin ano? Sinabi ko lang yun para kay Tiago pero hindi ko totohanin yun ano!” sabi ni Margarett. Umalis si margarett at umalis na rin si Ziannah! Pareho silang namasyal. Sa pinag pasyalan nilang dalawa may isang Ada na si Magenta na nag sumpa sa kanila. Ginawa niya si Ziannah na isang masamang babae at si Margarett naman ay ginawa niyang mabait. Ginawa niya ito dahil narinig niya itong nag aaway at ang pinaka ayaw ni Magenta na may nag aaway, siya kasi ang Ada ng kapayapaan. Isang araw nagtaka si Tiago kung bakit nag bago ang ugali ni Ziannah.

  Maibabalik pa kaya ang tunay na ugali ni Ziannah? Ano ang gagawin ni Tiago? Abangan sa susunod na yugto ng MAHAL KITA PERO SINO KA BA?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento