Linggo, Enero 27, 2013

TWISTED:Rosas Ng Pag-Ibig Part 1 by:Jeremae Cris Villarasa

                                                "Rosas Ng Pag-Ibig" 
                 Unang Yugto    
                           

 
                                            

 Si Andi,16 na taong gulang,         lumaki syang parang prinsesa na ang turing sa kanya dahil siya lang ang nag-iisang anak na babae sa pamilya.May kapatid syang lalaki at Martin ang kanyang pangalan,siya na ang tumatayong pangalawang ama sa kanyang kapatid ,siya na ang nagtatanggol at nagproprotekta kay Andi dahil busy sa negosyo at trabaho ang mama nila at matagal ng patay ang kanilang ama. Si Jacob naman ang boyfriend at bestfriend ni Andi, 4 na taong mag bestfriend at dalawang taong magkasintahan. Isang araw nagkaroon sila ng camping sa gubat kasama ang kanilang 
 mga kaklase .
Sa kasamaang palad nawala sila Andi at Jacob dahil napasarap ang kanilang paglilibang.Napadpad sila sa isang napakatahimik na lugar, at hindi nila alam na may mga engkanto na palang nakatira doon. May narinig silang humihingi ng tulong sa mag damohan kaya pinuntahan nila yun, at nakita nila ang isang lalaking puno ng pasa at sugat sa katawan. "Tulongan ni ako hinahabol ako ng mga engkanto,kinuha nila ang girlfriend ko".(Sabi ng lalaki) . Patayo na sana sila ng may biglang humila sa kamay ni Andi, isang hindi kilalang nilalang . Pero hinila ni Jacob pabalik sa kanya si Andi . "Hoi! halimaw bitawan mo siya!" . "Bibitawan
ko siya at hayaan silang makatakas kapalit mo, kailangan kang sumama sa amin". (Sagot naman ng Engkanto).Nagulat naman at napaluha si Andi, dahil ayaw nyang mawala sa kanya si   Jacob.Sumang-ayon naman si Jacob para sa ika bubuti  ni Andi ."Jacob wag mo akong iwan,mataas na ang ating pinagsamahan"(Sabi ni Andi)."Gagawin ko ito para sa'yo Andi , at wag kang mag-alala babalikan kita"(sagot naman ni Jacob)."Pare wag kang mag-alala babantayan,protektahan,ipagtatanggol at ipaglalaban ko siya para sayo.At ako pala si Josh bayad ko nalang sa pagtulong mo sakin".Nagpasalamat naman si Jacob kay Josh at bigla nalang nawala si Jacob at ang mga engkanto.
                                  
                           Itutuloy...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento