Miyerkules, Enero 30, 2013

Right Love At A Wrong Time (Part II)

Right Love At A Wrong Time



Part II
At doon sa kanyang silid, agad na naguunahang tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata. Hindi niya ito mapigilan. “Anong nagawa ko upang maging ganito ang tadhana sa'kin?” sabi niya habang umiiyak.Nang walang magawa ang dalaga kundi umiyak kinuka niya ang kanyang iPod at nakinig nang paborito niyang kanya ang Never Seen Nothing Like You. Maya-maya ay agad itong umiyak pa. Binuksan nito ang kanyang Facebook at nilibang ang sarili.
*One message* from Jiggy Dizon
Hera, sama ka sa'min sa resort nina Mina magkakaroon nang party, babalik nadaw parents niya from Europe. You should be there ha. Wag ka nang magmukmuk dyan. Text-text nalang kung kelan, may lakad pa ako”
At yun, may celebration daw sila Mina Javier, ang matalik na kaibigan ni Hera. Babalik ang mga parents nito galing nang isang business trip sa Europe. Agad itinext ni Hera ang isa nitong kaibigang Jiggy para itanong kung kelan ito magaganap, agad namang nagreply si Jiggy. Pagkatapos nang dalawng araw, ay araw na nang celebration nila. Nagdadalawang isip pa si Hera kung pupunta ba siya at naalala ang sinabi ni Jiggy na wag nang magmukmuk.Atiyon na nga, nag-bihis kaagad si Hera. Nanglumabas na si Hera sa silid nito at bumaba. “Hera,may lakad ka ata? San ba yan?” tanong ng kanyang ama. Magcecelebrate po sina Mina, dadating po kasi sila Tito at Tita galing ibang bansa” sagot niya. “Totoo ba iyan? Baka naman nagsisinungaling ka nanaman dahil sa Vince na iyan. Baka magkikita lng kayo?” tanong ng ama. “Pa, mahigit dalawang buwan na kaming wala ni Vince, nihindi ko nga siya makausap. Ano ginawa nyo sa kanya? Baka tinakot niyo siya?" nagsmirk na tanonh ni Hera. Inis na inis ang dalaga sa kanyang ama dahil alam nitong tinakot nito ang kanyang nobyo. Totoo din naman dahil tinakot nga nang kanyang ama si Vince, hindi man niya gustong magkahiwalay sila ni Hera ay gagawin nalang ng binata dahil kung hindi ibabankrupt ng ama ni Hera ang kompanya nina Vince. Mayaman yata at maimpluwensya ang pamilyang Santiago. Nang matapos sagutin ni Hera ang kanyang ama, walang nagawa ang kanyang ama dahil hindi nito gustong masaktan pa lalo ang kanyang anak. Kitang-kita naman sa mata ni Hera ang kalungkutan at ang poot na nararamdam nito para sa kanya. Agad lumabas si Hera sa kanilang driver na si Manong Fred upang magpahatid Moalboal. Dun kasi magaganap ang party dahil nandoon ang resort nila Mina. Ilang araw din sila doon. Mga tatlong araw. Pagkatapos nang apat na oras na biyahe nina Hera ay nakarating na din sila sa resort. Nang dumating ang dalaga ay sinalubong ito ni Mina. "Oh girl, haggard ka yata? Pagod ba?" pang-aasar ni Mina. "Hindi ba obvious?" sagot ni Hera. "San yung room ko? Hatid mo na ko? Magpapahinga na muna ako. Mamaya nalang ako maglilibot dito sa bago niyong resort." "Oo na." sagot ni Mina sa kaibigan. Nang paakyat na sila sa ikalawang floor nang resort nagkasalubong sila nina Wendy at Vince. "Hera, nandito karin pala" sabi ni Wendy. "Unfortunately, Oo" sagot ni Hera. Agad na umakyat si Hera at hindi na tinignan si Wendy kung ano man ang reaksyon nito. At nang dumating siya sa kanyang room agad siyang humiga. Iniwan naman ito ni Mina dahil alam nitong gusto nyang mapag-isa. "Ngayon, naniniwala na talaga ako na promises are meant to be broken =(." sabi niya sa teddy bear na bigay ni Vince sa kanya noong 1st anniversary nila."Ba't ganun Baby Boo? Ba't ako iniwan ni Daddy Boo? Ni hindi man lang kami nagkaroon nang closure." dagdag pa ni Hera. Umiyak na naman si Hera.Hindi niya mapigilan ang sarili na hindi isipin ang mga sinabi sa kanya noon ni Vince na mahal siya nito, hinding-hindi siya nito iiwan at siya lang ang mahal nito. Hindi rin niya kayang hindi maisip ang mga ginagawa nila dati. Yung mga ginagawa ni Vince kay Hera, yung paglelean ni Vince ng kanyang ulo sa shoulder ni Hera, yung parati silang masaya na nagkwekwentuhan sa loob nang starbucks coffee shop, etc. Nagflashback lahat nang mga yun noon time nayun kay Hera. Sa kaiiyak ni Hera ay nakatulog ito. 5:00 pm na nang nagising si Hera, nagising ito dahil sa ingay ni Jiggy. "Hera! Labas kana dyan? Ano ba? Bangon na?" sigaw ni Jiggy. "Ano ka bang bakla ka! Ito na nga oh, tatayo na. Dito nalang ako girl, hindi ko gustong makita sina We--" hindi paman natapos si Hera sa pagsasalita ay agad siyang inunahan ni Mina. "Sina Wendy at Vince? Ano ba girl, move on na. Let him go. Masaya na siya kay Wendy.Wag mo na paikutin ang mundo mo sa kanya marami pang tao sa mundo". Galit si Mina ng sinabi niya ang mga salitang iyon. Hindi niya gustong nakikitang nasasaktan lalo ang kaibigan. "Yan kasi ang problema mo, kinukulong mo ang sarili mo sa katotohanang hindi na siya babalik sayo! Lumabas kana , mingle ka sa ibang tao dito sa resort." Hindi na nagawang sumagot ni Hera. Totoo ang sinabi ng kanyang kaibigan. "I have never seen nothing like him :'(" mahinang sabi ni Hera. Gustong umiyak ni Hera ngunit pinipigilan niya ito. Sumunod na siya sa kanyang dalawang kaibigan na una nang pumunta sa ibaba.

Itutuloy....

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento