Huwebes, Enero 31, 2013

Right Love At A Wrong Time (Part III)

Right Love At A Wrong Time

Part 3



Nakababa na nga si Hera. Agad naman siyang inalok kumain ni Wendy ng Mango Float. Alam kasi nito na iyon ang paboritong kainin ni Vince at Hera noong sila. At dahil wala naman si Vince sa kusina kaya nagkaroon si Wendy ng chansang mang-asar ni Hera. Dahil kung nandoon lang si Vince pinuna na niya ang ginagawa ni Wendy sa kanyang dating nobya. “Wag na Wendy. Busog pa naman ako..” sagot ni Hera sa anyaya ni Wendy. “At baka malason pa ako nyan” mahinang sabi ni Hera at nagsmirk. “May sinasabi ka?” tanong ni Wendy na nakataas ang isang kilay. “Wala naman” sagot nito at humalakhak nang mahina. Ganyan talaga silang dalawa mula noong nalaman ni Wendy na pinopormahan ni Vince si Hera at sinagot naman ito ng dalaga. Matalik na kaibigan si Hera at Wendy noon. Nagsimula lang silang mag-away noong dumating sa buhay nila si Vince. Alam kasi ni Hera na gusto ni Wendy si Vince simala't sapul. Ngunit nagtaka lang si Wendy kung bakit naging si Hera at Vince, at dahil doon nagkasira na sila. Kaya ang ginawa ni Wendy ay sinawalat niya lahat ng sikreto ng kaibigan. Ang sikreto nito na pagiging mahikira. Ngunit hindi sila naniniwala dito. Kaya sumuko nalang si Wendy at hinayaan ang kaibigan at ang crush nitong si Vince. Maya-Maya dumating na si Vince. Nilapitan ito agad ni Wendy. “Oh baby? Nasan na si Jake?” tanong ni Wendy. Si Jake ang nakababatang kapatid ni Vince. 5 taong gulang palang ito. At malapit na malapit kay Hera. “Nasa mag pool baby, kasama si Hera.” sagot ni Vince habang nilalapag ang case ng inumin. Magkakaroon kasi sila nangparty mamayang 10 pm. Ang bonga diba? 10 pm pa ang party. At anong oras kaya sila matatapos? 3 am na? HAHA. “Baby naman, ba't doon pa kay Hera?” inis na tanong ni Wendy. “Malay ba ni Vince na si Hera ang gusto ni Jake ni no.” singit ni Sean. “How da--” hindi pa nga natatapos magsalita si Wendy ay inunahan na ito ni Sean. “At saka wag kang assuming na gusto ka ng bata, mapipilitan lang yun. Oh Vince paki sunod nalang yung ibang chairs ha? Malapit na kasi dumating sila mommy't daddy.” smirk ni Sean ang nakababatang kapatid ni Mina. Hindi na nakapagreact si Wendy. Winalk-outan siya ni Sean. 10 pm na. Ready na ang lahat. “Okey guys, nandyan na daw sila mommy sa gate. Be ready okey? Go on to your places.” exited na sabi ni Mina. At ilang minuto lang.. “WELCOME HOME MOMMY,DADDY/TITO,TITA” sigaw ng lahat. Gulat na gulat ang mag-asawa. “Oh my god. Thank you everyone.” sabi ng mommy ni Mina sabay yakap sa kanila. At yun nga, nagkaroon sila nang masayang party, may sayawan, kantahan, speech, kainan at inuman. Maagang pumasok ang mga magulang ni Mina, magpapahinga nadaw sila. At ang iba, nagsi-uwian na. Silang anim nalang ang natirang nagiinuman. Si Hera, Wendy, Vince, Jiggy, Sean at si Jake. Wow naman ha? Nakisali pa talaga si Jake. Joke lang. Hindi naman nakisali si Jake nakatulog ito dahil sa kapagudan. “Hali kana baby Jake. Akyat na tayo, tulog kana ulit.” mahinang sabi ni Vince. “Dito lang ako kuya, gusto ko katabi si ate Hera” inaantok nitong sagot. “Akyat na tayo baby Jake ha? Ako nalang magpapatulog sayo.” sabi ni Hera kay Jake. “Ako nalang magpapatulog sa kanya Vince” sabi ni Hera at tumango naman si Vince.Samahan na kita Hera, ako nalang ang mabubuhat kay Jake. “Hatid ko muna sila baby ha?” sabi ni Vince kay Wendy. Sanay na kasi si Hera patulugin si Jake. Ito kasi ang ginagawa niya dati. At umakyat na si Hera sa kwarto niya kasama si Vince na nagbubuhat kay Jake, doon niya patutulogin si Jake. Inilagay ni Vince ang kapatid sa kama. Napansin ni Vince na dinala pala ni Hera ang teddy bear na bigay nito. “Dinala mo pala si Baby Boo, Hera?” tanong ni Vince ng nakangiti. “A-aaahh. Oo Vince.” nahihiyang sagot ni Hera. “Bumalik kana doon Vince, hinihintay kana ni Wendy doon. Matutulog narin ako, dito nalang sa kwarto ko si Jake. Kahit lasing na lasing na si Vince ay tumayo ito papunta sa kapatid niya. “Oh Vince? Lasing na lasing kana talaga matulog kana lang.” sabi ni Hera. “Alam mo Hera, simula noong nalaman ni Jake na wala na tayo hindi niya na ako masyadong kinakausap.” seryosong sabi ni Vince. “Pasensya kana at hiniwalayan kita.” dagdag nito. Naging seryoso silang dalawa sa kwarto. “Vince?” mahinang tanong ni Hera. “Vince? Ba't mo nagawa sakin yun? Matagal naba kayo ni Wendy? Pinaglaruan mo ba ako? Anong nangyari?” mga tanong ni Hera. Natahimik sila. “Hera, alam kong gusto mo nang closure. Hindi ko gustong makipaghiwalay sayo Hera. Tinakot kami ng papa mo. Pinagtangkaan niya ang business namin. Wala akong magawa Hera, ginigipit niya sila mama't papa.” maiyak-iyak na sabi ni Vince. “At kahit kelan hindi kita pinaglaruan Hera. Minahal kita. At kung may pinagsisihan man ako ngayon, yun ang paghiwalay sayo. Mahal parin kita Hera.” dagdag ni Vince habang umiiyak. “Mahal mo pa rin pala ako eh. Edi maging tayo ulit Vince” maiyak-iyak na sabi ni Hera. Hindi sumagot si Vince, hinalikan lang nito ang mga labi ni Hera. At nangyari nga ang di dapat mangyari sa kanila. Marahil hindi nila gustong matigil ang pangyayaring ito ngunit naalala ni Vince si Wendy. “V-vince?” “Sorry Hera”. Agad na tumakbo si Vince. Noong oras na iyon, hindi gaanong nakatulog si Hera sa kakaisip. Natapos nalang ang kanyang mga kaibigang mag-inuman ngunit gising padin siya. Kinabukasan naligo nalang ito at nagbihis kahit hindi ito nakatulog nang mabuti. Hindi nito nakalimutan ang nangyari kagabi. Hinantay niyang gumising si Jake. At nang gumising ito at pinapunta agad ito sa silid nang kanyang kapatid at umalis. Hindi na siya nagpaalam kina Mina ng personal naglagay nalang ito ng sulat na ito ay nauna nang umuwi. Nakalipas ang isang linggo, hindi nagpakita si Hera kay Vince o sa kahit sino mang kilala na nakasama sa resort. Makalipas ang ilang araw nakapansin si Hera na palagi nalng siyang nahihilo. Nagpatingin siya sa kanyang doctor at don nalaman na buntis siya. Nagulat si Hera hindi niya ito inaasahan. At nang nakauwi ang dalaga sa bahay sinalubong siya nang kanyang ama "Oh Hera, Anong sabi nang doctor?" "Buntis daw ako daddy". Nagulat ang kanyang ama, itinanong ng kanyang ama kung sino ang ama nang kanyang dinadala at inamin naman niya na si Vince. Tinawagan ni Hera si Vince upang sabihin ang nangyari. *ring.ring* "Hello?" "Hello Vince?" "Oh Hera napatawag ka?" " Vince may sasabihin ako sayo" "Ako din Hera" "Sige kaw muna mauna." "Wag na ikaw nalang" "Ikaw na, Ladies first" "Vince b-buntis ako". Nagulat si Vince agad niyang binaba ang telepono. Nag-alala naman si Hera kung bakit iyon binaba ni Vince. "Baka hindi nita tanggap na magkakaanak kami. Hindi niya na talaga ako mahal :'(" umiiyak na sabi Hera. Kumuha si Hera ng kumot at itinali sa may kisami. Itinali din niya ito sa kanyang leeg. Ilang minuto ay dumating na si Vince. Nagmamadali siyang umakyat sa kwarto ni Hera. At naabutan niyang nakabitin ito. Nagpakamatay si Hera. Hindi na niya ito naabutan. "Hera, ano bang ginawa mo Mommy Boo? Hiniwalayan ko si Wendy nung gabing nangyari yun, ayokong lumaki pa ang kasalanan ko sa kanya, MAHAL NA MAHAL KITAAA." sabi niya habang umiiyak nakayakap ni Hera at umiiyak. Binabaan niya ng telepono si Hera dahil nagmamadali itong pumunta sa kanila upang mag-alok nang kasal sa dalaga ngunit hindi niya na ito naabotan. Patay na si Hera at ang batang nasa sapupunan niya. :(


The End

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento