Miyerkules, Enero 30, 2013

Right Love At A Wrong Time (Part I)


Right Love At A Wrong Time




Part I
Sa isang pupolar na paaralan dito sa Cebu may isang maganda, mabait, matalino na mag-aaral. Siya ay si Hera Santiago. Masayahing bata ngunit may itatagong lihim tungkol sa kanyang pagkatao. Ito ang pagiging anak ng isang mahikiro. Nagtataglay man ang kanyang ama ng isang mahika, ito naman ay isang mabait na ama. Ang kanyang kanyang ina naman ay may taglay ding mahika. Mababait naman ang kanyang mga magulang. Nag-mana sa kanila ang kanilang anak na si Hera. Ito ay palaging nangunguna sa klasi. Hanggang sa nagkakilala ang dalaga at ang binatang si Vincent Arellano. Isang matalino, mabait at gwapong transferee. Naging magkaklasi sila. Naging magkaibigan at naging magkasintahan mula noong 1st year sila hanggang ngayong 3rd year na sila. Nang mapansin nang ama ni Hera na parang napabayaan na ni Hera ang kanyang pag-aaral ay nagtanong ito.”Hera anak, may problema kaba?” “Wala naman po papa, bakit po?” sagot niya. “Bumababa ata ang mga grades mo anak?”, natahimik lang si Hera. Alam nitong magagalit ang kanyang ama kung malalaman niya ang tungkol sa kanila ni Vince. “Anak, wala nga ba talagang problema? May tinatago ka ba sa'min nang iyong ama?” tanong nang kanyang ina. Nagdadala wang isip sumagot si Hera, halatang natatakot siya sa kanyang mga magulang. “Anak, sabihin mo na sa'min. Mas mabuti pang sabihin mo na ngayon. Hindi namin gusto nang iyong ina na may nililihim ka sa'min” dagdag nang kanyang ama. “P-papa.” , mahinang sabi ng dalaga. “Papa, may nobyo napo ako.” Nagulat ang kanyang ina at ama. “Kailan ka pa nagkaroon nang nobyo?” tanong nang kanyang ina. “Noong 1st year po”. At yun nga, ikwenento lahat ni Hera. At tama siya, nagalit talaga ang kanyang ama. Gusto nitong maghiwalay si Hera at ang kanyang nobyong si Vince. Hayaan man nang kanyang ina ang gusto nang anak di rin niya kayang saktan ang kanyang asawa. Hindi parin hiniwalayan ni Hera ang binata, at isang linggo na ang nakalipas ay hindi parin ikwenekwento ni Hera ang gusto nang kayang ama. Isang araw, napansin ni Vince na tulala ang nobya nito. “Okey ka lang ba?” tanong nito. Hindi sumagot ang dalaga. Hindi nito narinig ang sinabi nang nobyo dahil malalim ang iniisip nito. “Hera?!” “A-aah, oo. Ano ba?” “May problema ka ata? Kanina ka pa tulala ah” “A-aah. Ehh wala.” “Sige na, sabihin mo na. Hindi makatanggi si Hera, sinabi niya ang lahat sa kanyang nobyo. Walang magawa ang nobyo. Maimpluwensyang pamilya ang pamilya nila Hera. At alam nang nobyo na may kapangyarihan ang mga ito. Kaya naghiwalay sila sa pamamagitan ni Wendy Lazaro. Si Wendy ang childhood sweetheart ni Vince. Ginamit ni Vince si Wendy upang masaktan si Hera. Masakit man para kay Vince ay kinakailangan upang mahiwalay na sila ni Hera. At naghiwalay nga sila. Iyak nang iyak ang dalaga dahil hindi ito makapaniwala sa ginawa nang dating nobyo. Makalipas ang isang buwan, hindi pa nakaget-over si Hera sa nagawa nang kanyang dating nobyo kaya naman lumabas siya at nag-shoping total naman bakasyon nila. Sa mall nagkita sina Hera, Vince at ang noya nitong si Wendy. Umiwas si Hera sa kanilang dalawa upang hindi ito mapansin. At biglang “Oh Hera, kumusta na?” tanong ni Wendy na may tonong galit. “A-aah, okey naman. Sige mauna na ako.” agad tumakbo si Hera dala-dala ang starbucks coffee na kanyang binili. Maiyak-iyak man ang dalaga ay pinigil niya ito. Hanggang umabot na si Hera sa bahay nila at agad pumasok sa kanyang silid. Naisip nang dalaga na parang pinaglalaroan sila nang tadhana. Mahal naman nila ang isa't-isa pero bakit ipinaglalayo sila nang tadhana specifically nang pamilya ni Hera. Para bang Right Love at a Wrong time?



Itutuloy ....








Walang komento:

Mag-post ng isang Komento