Huwebes, Enero 24, 2013


TWISTED: Ang Pag-ibig ni Joseph kay Lolita Part 1 By: Set Wabina ;)


Si Lolita ay namumuhay sa isang masayang pamilya. Siya itinuturing ng kanyang ama’t ina na isang prinsesa, pero sa hindi inaasahang pangyayari, namatay ang ina ni Lolita dahil sa sakit na cancer. Labis na pighati ang naramdaman ng kanyang ama dahil sa pangyayaring iyon. Isang araw nagpunta sa bayan ang ama ni Lolita upang bumili ng dayami para sa kanilang alagang kabayo. Pero sa kasamaang palad, biglang hinablot ang kanyang dalang pera ng isang estranghero. Hinabol nita ito ng hinabol hanggang dumating sa punto na hindi niya na ito maabotan. Buti nalang nakita siya ng isang babae at pinasakay siya sa sinasakyang karwahe nito dahil sa kabutihang loob na ipinakita ng babae, malaki na lamang ang pasasalamat ng lalaki sa babae. Ipinakilala ng babae ang kanyang sarili sa lalaki. “Magandang araw sayo Ginoo ako nga pala si Regina”. “Napakagandang pangalan” sabi ni Ginoong Alejandro. Ipinakilala niya naman ang kanyang sarili, “Ako nga pala si Alejandro at ikinagagala kitang makilala”. Nagkamabutihan ang loob ni Regina at ng ama ni Lolita. Isang araw bumisita sa bahay si Regina, “Tok! Tok! Tok!”, “bukas yan” sabi ng ama ni Lolita. “Oh! Regina bakit ka napadalaw?” tanong ni Alejandro kay Regina. “Ahh! May ibibigay nga pala ako sayo, ito oh biko gawa ko” sagot niya. “Ang laki pala ng bahay mo at ang gara ng mga sasakyan mo” wika ni Regina. “Pinaghirapan naming to nang aking yumaong asawa nung siya ay nabubuhay pa.” pasabi ni Alejandro kay Regina. Tuluyan ngang nahulog ang loob nila sa isa’t-isa. Isang araw dumalaw na naman sa bahay nila si Regina at laking gulat niya na bigla itong nag-alok ng kasal sa kanya. “Pakasalan mo ako Regina at maging pangalawang ina sa aking pinakamamahal na anak na si Lolita” sabi ni Ginoong Alejandro sa kanya. “Hindi ko nasabi sayo na may dalawang anak ako na babae sa dati kung asawa” sabi ni Regina kay Ginoong Alejandro. “Ok lang sakin yun, kung gusto mo silang patirahin sa bahay ko, ok lang din” sagot ni Alejandro. Umo-o si Regina na magpakasal kay Ginoong Alejandro. Gustong makilala ni Ginoong Alejandro ang dalawang anak ni Regina bago ang malaking kasalan.


Itutuloy…..

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento