Martes, Enero 29, 2013

TWISTED:Rosas Ng Pag-Ibig By:Jeremae Cris Villarasa


    Twisted:Rosas Ng Pag-Ibig
Huling Yugto

         Nong nalaman ni Andi na si Josh ay isang engkanto,     nagpakalayo siya at nakipagbalikan ulit kay Jacob at pinaliwanag niya kay Jacob ang lahat. Nagpakalayo silang dalawa at nagtago,nagpatulong din sila sa isang matanda kung ano ang mga panlaban sa engkanto,at paano sila maiiwasan. At kailangan daw nilang pumunta sa mahiwagang bundok ng mga diwata at ang mga diwata lang ang makakatulong sa kanila, kailangan pa daw nilang dumaan


 ng dalawang bundok bago makapunta sa bundok ng mga diwata.At duman sila sa isang masukal na gubat papunta sa bundok.Ang hindi nila alam na may mga engkanto palang sumusunod sa kanila. Nong na pansin nila ang mga engkanto tumakbo sila, at sa pagtakbo nila napunta sila sa isang sapa.Wala na silang ibang mapuntahan at malapit na silang maabotan ng mga engkanto."Andi alam mo

 mahal na mahal kita at napakasaya ko at bumalik ka sa akin,ipapangako kong nandito lng ako palaging mag proprotekta sayo habang nabubuhay ako walang kahit sinong makapanakit sayo, dadaan muna sila sa akin bago ka nila saktan,masasaktan muna sila bago ka nila makuha."(sabi ni Jacob) at hinalikan niya si Andi. "Jacob mahal na mahal rin kita, at nag sisisi akong pinagpalit kita kay Josh, Jacob ikaw lang at ako ang para sa isa't isa, mahal na mahal kita"(sabi ni Andi)...




 At biglang may sumulpot na isang napakagandang nilalang.Siya si Aurora ang diwata ng Tubig."Mga nilalang wag kayong matakot sa akin ako si Aurora ang diwata ng tubig,kakampi niyo ako laban sa mga engkantong yan".(sabi ng diwata).. Naglaban ang mga engkanto at ang diwata. Hindi nagawang labanan ng diwata ang mga engkanto dahil marami sila. Kaya nakuha ng mga engkanto si Andi at Jacob,dinala sila sa isang mahiwagang palasyo ng mga engkanto.Nagpumilit lumaban si Jacob kaya nakawala siya sa mga kamay ng mga engkanto,inagaw niya si Andi at binuhat n'ya ito dahil nasugatan ang paa ni Andi.Tumakbo ng napakabilis si Jacob pero naabutan parin sila."Hoi! nilalang ibigay mo siya sa amin kung hindi ay isusumpa namin siyang maging isang bulaklak habang buhay" (pananakot ng mga engkanto).Hindi parin binitawan ni Jacob si Andi.Kaya napilitan ang mga engkanto."Sa tulong ng aking kapangyarihan babae gagawin kitang bulaklak,isang magandang bulaklak na naglalarawan sa iyong kagandahan,ikaw naman pakialamirong lalaki,gagawin kitang isang tinik sa katawan ng babaeng yan,tinik na magproprotekta sa kanya,na kung sinong magtatangkang kunin siya ay masusugatan muna sayo".(sabing pinuno ng mga engkanto.At niyakap ni Jacob si Andi ng napakahigpit na parang may aagaw kay Andi,

 

niyakap at hinalikan niya si Andi sa huling pagkakataon. At naging Bulaklak na Rosas ang magkasintahan. Rosas na nag lalarawan sa kagandahan ni Andi,mga tinik na simbolo ni Jacob na mananatiling maging isang tagapagtanggol sa kanyang magandang minamahal na si Andi..

                                  


                                       ---->Ang Pagtatapos 



                                     

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento