PART
3:
HULING
YUGTO
Pagkalipas
ng ilang araw muling bumalik ang prinsipe at nagtapat ng kanyang damdamin sa
prinsesa ang bugso ng kanyang damdamin kaya sinabi na rin niya ang kanyang
nararamdaman para sa prinsipe, biglang hinalikan ng prinsipe ang prinsesa tanda
ng kanilang pagmamahalan, nang may biglang may sumigaw, natigilan ang prinsesa
ng saglit at pinuntahan niya ang pinagmumulan ng ingay ,doon niya nadatnan ang
kanyang ina’t amang hari na naging bato na nakaupo sa kanilang trono, bigla
niyang naalala ang tungkol sa sumpa na kanyang kinatatakutan, kaya dali-dali
niyang pinuntahan ang prinsipe at doon niya nadatnan ang kanyang minamahal na
prinsipe na naging bato, umiyak siya ng umiyak hanggang sa kinaawaan siya ng
mga diwata ng lupa,apoy,tubig at hangin. Tinulungan siya sa kanyang dinaramdam,
ngunit sa kasamaang palad hindi nagawang ibalikdan ang sumpa ng mga diwata,
dahil sa sobrang lakas na uri ng sumpa na ipinataw sa prinsesa. Muling humagulhol
ang prinsesa sa pag iyak at muling sinabi ng mga diwata na may paraan na may
isa pang paraan para mapawalang bisa ang sumpa ng kanyang mga mahal sa buhay, mabubuhay
rin ang dalawang nagmamahalan sa ibang katauhan, magiging malungkot at nag iisa
ang pinatawan ng sumpa at mamumuhay naman ng Masaya ang isa patuloy ang
kanilang pagmamahalan, at kailanmay di sila magtatagpo o magkikita. Pumayag ang
prinsesa maligtas lamang ang kanyang mga minamahal.pinagsama-sama na ng mga
diwata ang kanilang mga kapangyarihan, nabuhay muli ang kanyang mga magulang,
samantalang si prinsesa Fiona ay nabuhay bilang araw na nag-iisa sa kalangitan
at siyang nagbibigay liwanag tuwing umaga, at si prinsipe Lance naman ay
nabuhay bilang buwan na masayang kasama ang milyun-milyung bituin sa kalangitan
na siyang nagbibigay liwanag sa dilim tuwing gabi. At kailanmay di sila magkikita
ngunit nandoon parin sa kanilang mga puso ang pagmamahalan sa isat-isa.
Quennie Mae A. Estrella
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento