Martes, Enero 29, 2013

TWISTED: Ang Pag-ibig ni Joseph kay Lolita part 2 By: Set Wabina :D



TWISTED: Ang Pag-ibig ni Joseph kay Lolita By: Set Wabina


Gustong makilala ni Ginoong Alejandro ang anak ni Regina sa kanyang unan asawa. Kinabukasan inimbita ni Ginoong Alejandro ang mga anak ni Ginoon Regina para sa darating na kasalan. “Nandito rin naman tayong lahat, magpapakasal na kami ng inyung ina hihingi lang sana ako ng pahintulot kung ok lang ba sa inyo?” tanong ni Ginoong Alejandro. “Bago po naming sagutin niyan ako po si Esperanza ang panganay na anak” sabi ni Esperanza. “At ako naman po si Corazxon ang pangalawang anak” sabi ni Corazon. “Ahhmm.. syempre naman po, wala pong problema samin yun, total wala naming asawa ang aking ina”, sagot ng mag kapatid kay Ginoong Alejandro. Salamat naman at pumayag ka, mahal ko ang iyong ina, tinulungan niya akong makalimot sa mga masasamang pangyayari na nangyari sa akin buhay”. Tugon ni Ginoong Alejandro. “Grabe ang yaman niya at ang laki pa ng kanyang bahay, napakaganda rin ng kanyang anak para siyang prinsesa” bulong ng magkapatid sa isa’t-isa. Biglang dumating ang nag-iisang anak ni ginoong Alejandro, “Pa ano po ang nangyayari dito? At sino po sila?” tanong ni Lolita sakanyang ama. “ila ang bago nating pamilya, siya ang tita Regina moi at siya si Corazon at Esperanza ang iyong magiging kapatid, magpapakasal na kami ng tita Regina mo at sana maintindihan mo yun anak”.Biglang tumakbo si Lolita sa kanyang kwarto at hinabol naman siya n kanyang ama. “PA Masaya naman tao kahit tayong dalawa lang ahh? Bakit kailangan mo pang magpakasal ulit? Hindi mo nab a bnmahal si mama?” tanong ng kanyang anak. “Mahal ko ang iyong ina, ngunit kailanan kung gawin ito para sayo anak, gusto kung may mag-alaga sayo kahit wala ako”. Sagot ng kanyang ama. Nangyari nga ang kasalan ngunit wala pa ring kibo si Lolita. Maganda ang pakikitungo ng kanyang madrasta sa kanya ganonna rin ng kanyang mga n”step sisters”sa kanya. Pero ang kanilang pakikitungo ay puro ka plastikan lamang. Ang hangad lamang nila ay ang kayaman ng kanyang ama. Isang araw kailangan mag paalam ng ama ni Lolita sa kanila dahil kailangan niyang asikasuhi ang negostong naiwan sa Espanya. “Aalis muna ako kaagad, pero babalik din ako” sabi ni Ginoong Alejandro. “Ilang buwan po kayo mawawala?” tanong ni Lolita.” Mga anim na buwan anak, pero wag kang mag-alala babalik din ako kaagad” sagot  ng ama ni Lolita. Umalis na ang ama ni Lolita, tila nasisiyahan ang madrasta ni Lolita at ang kanyang mga “step sisters” sa pag-alis ng ama ni Lolita. “Ma, grabe naman niyang si Lolita, walang ginagawa mautusan nga para naman may pakinabang  siya dito” wika ni Esperanza sa kanyang ina. “Hoy Lolita! Pakilinisan nga yong kwarto naming ni Corazon at ipaghanda mo kami ng hapunan bago kami dumating at siguraduhin mo rin na malinis ang bahay at walang alikabok” sabi ni Esperanza kay Lolita. “Bakit ako?” tanong ni Lolita. “Wala na tayong katulong pinalayas na naming, simula ngayon ikaw na ang gagawa ng mga gawaing bahay malinaw ba yon?” tanong ni Esperanza. “Sige” sagot ni Lolita.

TO BE CONTINUED…. :D




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento