PART
2:
Pinigilan ni
prinsesa Fiona ang kanyang nararamdaman para sa prinsipedahil ayon sa sumpa
kung may magmamahal man at mamahalin din ng prinsea ang taong kanyang iibigin
aty mamatay kasama na din ang lahat ng kanyang mga mahal sa buhay, kaya ganoon
nalang ang kanyang pangamba. Isang araw noong pinuntahan ng prinsipe ang
prinsesa sa kanyang silid, agad na pina-alis ng prinsesa ang prinsipe at
sinabihang ayaw na niya itong makita kailanman, at sinabing ipapatay siya ng
kanyang ama kung itoy bumalik pang muli, nagulat ang prinsipe sa sinabing iyon
ng prinsesa kaya agad niya itong niyakap at nagtanong kung bakit ginagawa ng
prinsesa iyon sa kanya . ngunit sa kasamaang palad sinampal siya ng prinsesa
dahil itoy nabigla. Tumalikod ang prinsesa at biglang tumakbo papalabas ng
silid, bumalik ang prinsipe sa kanilang kaharian na umiiyak at nanghihinayang
sa inasal at sinabi ng prinsesa sa kanya, at ang prinsesa nama’y bumalik sa
kanyang silid at noong namalayan niyang
wala na ang prinsipe, nagkulong siya doon na umiiyak at pilit
kinakalimutan ang kanyang nararamdaman sa prinsipe.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento