Martes, Enero 29, 2013

Twisted: Harden ng Eden Part 3

Huling yugto
                   By: Reannu andre Penas
  Sa paglipas ng araw sa pag-aalaga ni lola Monching sa kanyang apo, ay  pinangalan niya sa bata ay Adriana. Si  Adriana ay namuhay ng noramal sa mundo ng mga tao. Pagkalipas ng 16 na taon .  Si Adriana na ngayon ay nagdadalaga na.  Biglang Sumakit ang kanyang leeg  a t may lumabas na isang salangkay. Nagulat siya at biglang napasigaw ng”Aaaaaaaaahh”. Nagulat siya sa kanyang nakita. Kinuha niya ang salangkay sa kanyang leeg at at itinago niya ito sa kanyang bulsa. “Bakit ,nandito ito sa aking leeg, totoo ba ito”bulong niya sa kanyang sarili. SaEden naman ay nabalot ito ng kasamaan at yebe. Si Cielo na ngayon ang reyna ng Eden.  Napasakanya ang korona dahil isinilid niya ang mga diwani sa isang malaking yebe.  Si Cielo ay nagalit dahil wala siyang mga kakampi. Kaya ginawa niya sa putik at itim na kapangyarihan sina Shive,Ehra at si Ashera. Inutusan niya ang kanyang mga alagad na maglasik ng kasamaan sa Eden.  Ginamit nila ang kanilang mga itim na salangkay upang patayin ang lahat ng mga halaman at kunin ang mga kapangyarihan nito. At ang Eden na ngayon ay sirang-sira na at nabalot ditto ang yebe. Sa lupa naman.  Si Adrina ay nagtanong kung saan siya galling.  “Lola pwede bang magtanong?, Saan ba ako galling? At  kilala mo ba kung sino ang mga magulang ko?” tanong ni Adriana sa kanang Lola. “Apo nakita kita sa may bakawan at nakita kita sa bangka”sabi ng Lola sa kanyang apo.  Kaya si  Adriana ay pumunta sa may bakawan at hinanap niya ang Bangka. “Aba nandito lang pala” bulong niya sa kanyang sarili.  Linapitan niya ang Bangka  at nakita niya ang portal. At pumasok siya. “Nasaan nab a ako?” tanong niya sa kanyang sarili.  Nakita niya ang isang kuneho at pinuntahan niya ito. Biglang may narinig siya na”Nagbalik na si Olivia, ang  Diwani upang iligtas ang Eden”. “Sino ka?” sigaw niya. At biglang nagpakita ang diwata ng hangin. “Sino ka bakit nagliliwanag ka?” sabi niya sa diwata.  “ ako si Stella, Diwata ng Hangin” pahayag niya kay Adriana.  Kaya sinama ni Stella si Adriana sa palsyo upang sumugod.  Nakita nila ang Malaking Yelo at ginamit ni Adriana  ang kanyang salangkay at nabasag ito ng dalawa at ang mga diwani ay muling nabuhay. “Salamat, babae”sabi ni Anastacia  sa kanyang nima. “Ako si Adriana,este, Diwani Olivia. “Ikaw ba Olivia, ako ang ina mo Ako si Maria. NAluha ang dalwa at umiyak sila ng malakas. “ Dapat hindi tayo magtumpik-tumpik dapat ay sugurin nating ang  silid Ni Cielo”. Sabi ni Olea. Kaya kinuha nila ang kanilang mga salangkay  at sumugod sila sa silid ni Cielo.  Si Cielo pala noon ay nasa kanyang trono. Sinalubong ang mga diwani  ng kampon ni Cielo. Kaya nagtuos sila. Ngunit napatay sina Ashera, Shiva at si Ehra.  Pumunta sila sa sentro ng palasyo  at nakita nila si Cielo sa kanilang trono. “Bakit nandito kayo mga mapangahas na mga diwani. Sabi ni Cielo. Sinalubong ng malakas na kapangyarihan ang mga diwani at tinulungan nila ang  kanilang mga sarili upang matalo si Cielo. Pagkatapos ng isang oras, Ang mga diwai ay nagtagumpay  sigaw ng mga edentor.  Si Cielo na ngayon ay nanghina at ginawa ng mga diwani ang kanilang mga salangkay at ginawa nila ang ritwal. “ Flora,Salvator,Sire,Fermosa, Mofolcva” Sigaw ng mga diwani. Biglang nagiba ang tinig ni Cielo at ang kasuotan niya. At isinuka niya ang bunga ng Alforra. “Nasaan na Baako?”Tanong ni Cielo. At biglang nagliwanagsi Olean g Dilim at nagbago ang kanyang kasuotan. At biglang nawala ito. Pagkaraan ng 6 na buwan ay naging payapa ang Eden . At nakilala ni Olivia ang isang edentor na nagngangalang Molave. Sila ay nagkaayusan at si Olivia ay nadala sa kanyang emosyon. Kaya nangliagw si Molave sa kanya., at sinagot naman ni Olivia ito.  Ngayon Ay si Olea  ay nasa puno ng Alforra. Ginamit niya ang itim na kapangyarihan upang malakas siya. “ Itim na kapangyarihan, bigyang lakas ang sarili, dugosa dugo bilang sakripisyo palakasin angkapangyarihang itim”.sigaw niya sa kanyang sarili.  At sina Anastacia at si Maria ay nangutob “ Totoo baa ting kutob?’ sabi ng dalawa. Kaya ipinatawg nila sina Molave at Olivia upang mag-isang dibdib. “ Oliviia, pwede kabang  maging kabiak mo?” sabi ni Molave. “Ooo, Molave” sabi ni Olivia. At ipinakasal sila sa lalong medaling panahon. Pagkatapos ng ilang buwan ay nagkatotoo ang kanilang kutob. Nakipaglaban sila sa mga kampon ni Olea. Pagkatapos ng ilang oras ay natalo nila ang mga kampon ni Olea. Ang mga diwani ay nagtulongan para  matalo si Olea. At biglang lumakas ang kanilang mga kapangyarihan.  Kaya si Molave ay pumunta sa puno ni Alforra at kinuha ang ugat nito at pinutol niya ang kahoy upang mawala ang kapangyarihan. Si  Olea ay naging isang malaking  halimaw pagbalik ni Molave sa palasyo.   Huminga si Olea ng apoy at nasugatan si Olivia. Sa pagabalik ni  Molave ay sinaksak niya ang dibdib ni Olea gamit ang ugat . Nanghina ang halimaw at bigalang nawala. Sa pagsaksak ni Molave ay nasugatan pala siya dahil sa kuko nito . Nanghina ang dalawa at namatay sila na naghawak ang kanilang mga kamay.  Ang  dugo a pumatak sa lupa ay naging isang bulaklak na pula. At  ang  katawan nila ay naging mga ugat nito. Natulala ang mga diwani  pero sa kanilang puso ay sila ang hari at  reyna. Sa ikalawang pamulaklak nito ay may bata sa loob at kinuha nila ito. Ipinangalan nila sa bata ay Sophia. Si  Sophia ya susunod sa trono.  Pagkaraan ng  16 na taon ay kinoronahan si Sophia na reyna ng Eden. Siay namuno ng Eden ng payapa at ang kanyang mga Lola ay ginawa niyang mga minestro. S a pagtutulongan nila ay naging  payapa ang kaharian ng Eden.

   












                                                                                                            

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento