PAG IBIG NA WALANG HANGGAN
PART 1:
Sa malayong-malayong
kaharian ng Hogwarts ay doon naninirahan ang pinakamaganda at pinakamayuming
babae sa buong kaharian, siyay pinangalanang Prinsesa Fiona, siya ang
kinahuhumalingan ng halos lahat ng kalalakihan sa kahariang Hogwarts, ngunit sa
kasamaang palad siyay isinumpa ng isang makapangyarihan at kinakakatakutang
bruha na si Ursula, ang prinsesa ay di dapat magmahal at mahalin ng sinuman. Dahil
sasumpang ipinataw sa kanya ,pinigilan niyang magmahal at siya’y nagging manhid
. sa kabilang dako naman na kaharian doo’y naninirahan ang pinakamakisig,
matapang at pinakamabait na prinsipe na kinahuhumalingan ng mga babae, siya ay
si Prinsipe Lance ang tagapagmana ng trono ng kahariang pinamamahalaan ng
kanyang ama. Isang araw sa kalagitnaan ng kanyang paglalakbay may isang babae
na nakatisod ng kanyang paningin at di nagkalauna’y bumihag ng kanyang
damdamin. Kasama nito ang mga hayop sa kagubatan at ang mga makukulay na
paru-paru nagtangka siyang lumapit sa prinsesa, ngunit nabulabog ang mga hayop
na nakapaligid sa prinsesa kaya ang prinsesa ay saglit na nawindang. Napansin siya
ng prinsesa, kaya nilapitan siya nito. Lumapit ito sakanya at siya namay
nagpakilala sa kanyang sarili, magaan rin naman ang loob ng prinsesa sa
prinsipe kaya pinakilala rin ng prinsesa ang kanyang sarili. Nagsama sila buong
maghapon at nagkukwentohan tungkol sa kaninilang karanasan, patuloy pari silang
nagkikita hanggang sa isang araw silay nagging matalik na magkaibiganat di
naglaun nahulog na ang loob ng prinsipe sa prinsesa ngunit takot siyang ipagtapat ito dahil sa
alam niya ang tungkol sa sumpa na ipinataw sa prinsesa noong itoy bata pa.
nagpatuloy parin ang kanilang pagsasama at pagkikita, hanggang sa naramdaman ng
prinsesa na unti-unti nang nahuhulog ang kanyang loob sa prinsipe.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento