Martes, Enero 29, 2013

TWISTED: Ang Pag-ibig ni Joseph kay Lolita Part 3 By: Set Wabina


TWISTED: Ang Pag-ibig ni Joseph kay Lolita part 3 By: Set Wabina
Inalila nila si Lolita. Isang araw inutusan si Lolita ng kanyang madrasta na bumili ng alak sa bayan, sa kanyang paglalakad may nakabangga siya na isang lalaki na napakaamo ng mukha at kilala rin sa marangyang pamilya. “Ano ba yan! Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan eh!” wika ni Lolita. “Pasensya na binibini, nagmamadali kasi ako”. “Grabe ang gwapo ng lalaki, ano kaya ang pangalan niya?” wika ni Lolita. Nagkita ulit ang binata at si Lolita. “Ako nga pala si Joseph, pasensya na at nabangga kita kahapon” wika ni Joseph. “Ok lang hindi mo naman sinasadya eh, ako nga pala si Lolita” wika ni Lolita. “Ikinagagala kitang makilala mahal na binibini” wika ni Joseph. Palaging nagkikita ang mag kaibigan at di nagtagal ang kanilang pagkakaibigan ay umosbong sa pag-iibigan. Hindi alam ni Lolita na si Joseph ay nakatakda na sa ibang babae na mayaman at galling sa marangyang pamilya. Natuklasan ni Lolita an gang lihim na tinatago ni Joseph sa kanya. “Bakit mo ako niloko? Bakit hindi mo sinabi sa akin na nakatali ka nap ala sa ibang babae?” tanong ni Lolita. “Patawarin mo sana ako Lolita, hindi ko gusto na masaktan ka, hindi ko mahal ang babaeng yon sapagkat nong nakilala kita, biglang nagbago ang lahat, minahal kita dahil marangal kang tao at mabait”. Sagot ni Joseph. Labis ang pagdadalamhati ni Lolita kay Joseph. Hinanap siya ng hinanap ng kanyang kasintahan na si Joseph, ngunit hindi parin siya nito Makita. Si Lolita ay nagpunta sa isang lawa at don siya naglabas ng sama ng loob. Naghanap ng naghanap si Joseph sa kanyang kasintahan at isang araw, may nakapagsabi sa kanya na saan naroroon si Lolita at agad niyang pinuntahan ang kinaroroonan ni Lolita at natagpuan niya ito sa isang batis na walang katao-tao. Sa hindi inaasahang pangyayari natapunan nila ng bato ang lawang yon. Biglang lumabas ang diwata ng tubig, ayaw na ayaw niya na may umiisturbo sa kanya. Sa pangyayaring iyon, pinatawad ng magkasintahan sa pangyayaring iyon. Umalis ang mag kasintahan sa lawang iyon.Kahit ganon ang mga nangyari masakit pa rin ang para kay Lolita ang mga pinag gagawa sa kanya ni Joseph. Bumalik sa kanilang tahanan si Lolita. Palagi siyang minamaltrato ng kanyang madrasta at mga kinakapatid niya. Ginawa siyang katulong kahit hindi naman dapat. Hinidi niya sinumbong ang mga pinag gagawa ng kanyang madrasta at mga kinapatid sa kanya dahil palagi siyang tinatako nito. Isang araw nakatanggap ng imbetasyon ang pamilya ni Lolita galling sa papa ni Joseph. Nakalagay ditto na may magaganap ng malaking sayawan sa kanilang mansion para sa kaarawan ni Joseph. Hindi dumalo si Lolita sa sayawan. Sa araw ding iyon dumating ang ama ni Lolita. Hindi siya nag dalawang isip ng ikwento ang lahat ng mga kalupitan na pinag gagawa ng kanyang madrasta at kinakapatid sa kanya. Pinadalo si Lolita nga kanyang ama sa malaking sayawan. Sumama na rin ang ama ni Lolita. Nagkita ulit ang dating magkasintahan sa gabing iyon. Humingi ulit ng patawad si Joseph sa kanya pero sa pagkakataong iyon pinatawad na ni Lolita si Joseph. Sila ay nagtanan sa gabing iyon, sa hidi inaasahang pangyayari natabig nilang dalawa ang malaking lampara. At dito nagsimula ang apoy hanggang sa ito ay lumaki. Nagalit ang diwata ng apoy. Sila pinarusahan sa kanilang kasalanan. Ginawa silang alitaptap, simbolo ng kanilang matamis at malungkot na pagmamahalan. At doon nagtatapos ang kwentong “Ang Pag-ibig ni Joseph kay Lolita”. ;)

Wakas… <3

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento